Ang biktimang dead-on-the-spot ay si Raymundo Espidido, ng Blk. 14 Lot 1, Canlubang, Laguna dahil sa mga tinamong saksak sa ibat ibang parte ng katawan.
Boluntaryong sumuko sa pulisya ang suspek na si Isagani Legaspi matapos ang ilang oras ng pagtatago at isinuko rin ang patalim na ginamit sa krimen.
Sa isinagawang imbestigasyon, naganap ang krimen dakong alas-6 ng umaga sa Blk.14, Lot 8, Area 1, Kapayapaan Ville.
Nabatid na ang suspek kasama ang kanyang panganay na si Hazel ay kagagaling lamang sa isa nilang bahay sa Daang Bakal, Hagdang Bato Itaas, Mandaluyong City.
Inabutan ng mag-amang Legaspi sa loob ng kanilang kuwarto ang suspek na kalaguyo umano ng misis nitong si Mandariza na natutulog.
Dahil dito, nagdilim ang pag-iisip ng suspek na kung saan binunot ang dalang patalim at walang sabi-sabing inundayan ng mga saksak ang natutulog na biktima.
Napag-alaman na madalas na mag-away ang mag-asawang Legaspi dahil sa umanoy kumakalat na balita sa kanilang lugar na ang kanyang misis ay may kinalolokohang lalaki. (Ulat ni Ed Amoroso)