Ito ang inihayag kahapon ni AFP Spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan base sa nakalap nilang intelligence report hinggil sa masamang binabalak ng Misuari Renegade Group (MRG) para isulong ang kampanya ng grupo sa separatismo.
Gayunman, ayon kay Adan, wala pa ring konkretong impormasyon ang militar kung kailan magsasagawa ng pag-atake ang mga armadong loyalista ng nagrebelyong dating opisyal ng lokal na pamahalaan.
Una rito, kinumpirma ng isang source sa palasyo ng Malacañang na pinaplano umano ng mga renegade forces ni Misuari na umatakeng muli sa Mindanao sa Disyembre 30.
Bilang tugon rin sa binabalak na muling pag-atake ng puwersa ni Misuari, sinabi ni Adan na nagpakalat na sila ng sapat na puwersa ng militar upang mangalaga sa peace and order sa ilang mga lugar sa Mindanao region.
Ayon pa sa AFP Spokesman, posibleng targetin ng grupo ni Misuari ang mga residential areas, establisimyento ng mga negosyo at mga instalasyon ng gobyerno. (Ulat ni Joy Cantos)