Binata todas sa mga adik

TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Isang 38-anyos na binata ang iniulat na nasawi makaraang mapagtripang gulpihin ng mga adik sa droga habang ang biktima ay naglalakad sa kahabaan ng Capitol Hills, Brgy. Lapidario ng lungsod na ito kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Renato K. Marinas at residente ng Block 14 Lot 9 Sampaguita st., ng nabanggit na barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Melvin Presa, may hawak ng kaso, natagpuan ang bangkay ng bikitma dakong alas-6 ng umaga na nakahandusay sa gilid ng kalsada na duguan. (Ulat ni Mading Sarmiento)

Show comments