Nahihirapan sa buhay, nagpakamatay

BACOOR, Cavite – Isang problemadong lalaki na hindi na makayanan ang hirap sa buhay ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng sariling bahay sa Brgy. San Nicolas 3 ng bayang ito kahapon ng umaga.

Natagpuan ang bangkay ng biktimang si Jonathan Demonteverde, 19, binata, ng Celestino Subdivision ng naturang lugar dakong alas-7:30 ng umaga na nakabitin sa kisame ng kanyang bahay.

Sa isinumiteng ulat ni SPO1 Dante Ordono kay P/Sr. Insp. Alberto Capua, hepe ng pulisya sa bayang ito, huling nakitang buhay ang biktima na nakikipag-inuman ng alak sa mga kaibigan at nabanggit nito ang problemang hindi na makayanan. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments