Boluntaryong sumuko sa kanyang superior ang suspek na si PO3 Raul Pancho na nakatalaga sa Davao provincial police precinct 12, samantala, ang biktima na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib ay nakilalang si Cordito Torino, 49.
Base sa inisyal na ulat mula sa Camp Crame, naganap ang krimen dakong ala-una ng hapon ng magkaroon ng mainitang pagtatalo at mairita naman ang suspek sa biktima saka pinaputukan. (Ulat ni Joy Cantos)