Kinilala ang mag-inang suspek na tulak na sina Cristita Sibug at Marlon Sibug, 23, na nakumpiskahan ng aabot sa 100 gramo ng shabu at mga drug paraphernalia.
Ang pagkakadakip sa mag-inang tulak ay bunsod nang ipinalabas na search warrant ni Judge Teresita Baldos ng Malolos RTC branch 17.
Ayon sa ulat ni P/Chief Insp. Eliseo Saquilayan, hepe ng pulisya sa bayang ito, isinailalim ang mag-ina sa isang linggong pagtitiktik at ng maging positibo na nagpapakalat ng droga sa kanilang lugar ay nagsagawa ng pagsalakay.
Dakong alas-9:30 ng gabi nang salakayin ng mga awtoridad ang bahay ng mag-ina at hindi na nakuha pang makapalag. (Ulat ni Efren Alcantara)