Ang biktimang nasawi ay nakilalang si Gregorio Yasay ng Brgy. Militar, Fort Magsaysay, Palayan City habang ang kasama namang si Nida M. Yasay ay isinugod sa Lumang General Hospital sa Guimba, Nueva Ecija.
Ayon kay SPO2 Eliseo Agnes, naganap ang aksidente bandang alas-11 ng umaga makaraang mag-overtake ang sasakyan ng biktima sa isang sasakyan ngunit di-napansin ang kasalubong na jeep (CWD-690) na nagresulta sa salpukan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)