Sekyu iniwan ng misis nagbigti

LEGASPI CITY — Dahil sa iniwan ng asawa at mga anak ay nagpasya na lamang na magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang security guard sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa distrito ng Albay sa lungsod na ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Audy Aguilar, 40, security guard ng Besang Pass security agency ng nabanggit na lugar.

Nabatid sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang magkaroon muna ng mainitang pagtatalo ang biktima at asawang si Emiliana Aguilar saka lumisan ang babae kasama ang mga anak.

Sa pag-aakalang iniwan na siya ng sariling misis ay nagpasya ang biktima na mag-suicide. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments