Magsasaka pinatay sa masamang biro

MALOLOS, Bulacan – Dahil sa masamang biro ay nagawang saksakin ng kalaykay at napatay ang isang magsasaka ng kanyang kaibigang nag-aalaga ng itik sa Brgy. Dakila sa bayang ito kamakalawa.

Si Victorino Teodoro, 56, may asawa ay nagtamo ng isang malalim na sugat sa dibdib, samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Alberto Doroteo ng Brgy. Dulong Malabon, Pulilan, Bulacan.

Lumalabas sa impormasyong nakalap ng pulisya na malimit umanong magbiruan ang dalawa sa tuwing magkasama na pinalalagay na nag-ugat ang krimen sa masamang biro ng biktima na naganap bandang ala-1:30 ng hapon. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments