Negosyante todas sa duwelo

BACOOR, Cavite – Dahil sa nagkapikunan sa masamang biruan ay nauwi sa barilan ang magkapitbahay na lalaki na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng malubha ng isa pa sa Remville Subd., Brgy. Habay 1 ng bayang ito kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Alfredo Francisco, 45, may asawa, negosyante ng Blk 2 Lot 16 ng nabanggit na subd., samantala, ang sugatan ay nakilala namang si Willie Teves, 44, may asawa ng Blk 9 Lot 10 ng naturang din lugar.

Naganap ang duwelo bandang alas-10 ng gabi habang nag-iinuman ang dalawa hanggang maungkat ang matagal ng alitan na humantong sa biruan at barilan. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Mading Sarmiento)

Show comments