Base sa ulat mula sa Southern Police Command sa Camp Catitipan, ang minasaker na pamilya ay nakilalang sina Alfredo Niebres, Jr.; Narcisa Niebres; Benigno Niebres at Eduardo Capestrano, 31.
Si Capestrano ay binawian ng buhay sa ospital bandang alas-11:30 ng gabi may ilang oras matapos ang pagmasaker.
Kasalukuyan namang nasa Davao Medical Center ang sugatang biktima na si Al Jonathan Niebres na tinamaan ng bala ng baril sa kanang tuhod.
Umaabot na sa 10 katao na pinalalagay ng pulisya na biktima ng summary execution ng vigilante group nitong nakalipas na linggo dahil sa pinaghihinalaang mga drug pushers.
Kasalukuyan namang inaalam ng pulisya ang motibo ng krimen kasabay ding bineberipika ang background ng pamilya Niebres kung may kaugnayan sa droga o kaya naging kaalitan ng mga biktima. (Ulat ni Edith Regalado)