3 kelot grinipuhan habang nanonood ng banda

OLONGAPO CITY – Napalitan ng kalungkutan ang kasayahang nadama ng tatlong kalalakihan matapos na pagtulungang pagsasaksakin ng isang grupo ng kalalakihan habang nanonood ng "live band " sa Subic Christmas Bazaar sa Subic Bay Freeport Zone kamakalawa ng gabi.

Ang mga biktima na pawang nagtamo ng mga saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan ay nakilalang sina Rico Mamaril, 20, ng Otero, Mabayuan; Raymundo Sedeno, 17 at Roderick Paguio, 15, kapwa residente ng New Banican.

Batay sa ulat ng pulisya, ganap na alas-10 ng gabi habang nasa kalagitnaan ng kasiyahan ang mga biktima sa panonood ng banda ay nakasagutan ng mga ito ang may labinlimang kalalakihan sa hindi malamang kadahilanan.

Hindi natakot ang mga biktima sa grupong nabanggit hanggang sila ay pagtulungang saksakin at kritikal sa James L. Gordon Memorial Hospital. (Ulat ni Jeff Tombado)

Show comments