Nabatid mula sa tatlong pahinang complaint-affidavit na isinumite ng hepe ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management na si Chief Superintendent Lucas Managuelod sa Ombudsman, sinabi nito na dapat kastiguhin ni Ombudsman Aniano Desierto si Misuari dahil sa umanoy pagiging utak nito sa rebelyon sa Jolo, Sulu.
Matatandaan na si Misuari ang itinuturong utak sa naganap na pagsalakay sa tatlong kampo militar at isang istasyon ng pulisya sa Sulu na naging dahilan para masawi ang may higit 50 katao.
Iginigiit ni Misuari na hindi dapat matuloy ang halalan sa ARMM sa Nobyembre 26 dahil lalabagin nito ang 1996 tripoli agreement sa pagitan ng pamahalaan at MNLF. (Ulat ni Grace Amargo)