Lolo nasalpok ng jeep, todas

BASUD, Camarines Norte – Minalas na masalpok ang isang 56-anyos na lolo ng pampasaherong jeepney habang ang biktima ay naglalako ng duyan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Poblacion Dos ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Ang biktima na binawian ng buhay sa Camarines Norte Provincial Hospital ay kinilalang si Agripino Zantua, may asawa, tubong Brgy. Patag, Libmanan, Camarines Sur at residente ng Brgy. Tuaca, Basud, Camarines Norte.

Sumuko naman kaagad ang driber ng jeep (EAX-835) na si Roberto Dela Cruz, 47, ng Brgy. San Felipe makaraan ang aksidente na naganap bandang alas-10 ng umaga. (Ulat ni Francis Elevado)

Show comments