2 patay, 1 grabe sa motorcycle crash

SAN JOSE CITY – Dalawa katao ang kumpirmadong nasawi habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang mahulog sa Casecnan irrigation canal ang minamanehong motorsiklo ng mga biktima sa Brgy. Sinipit Bubon kamakalawa.

Ang mga biktima na sakay ng motorsiklong Suzuki (PY-1608) ay nakilalang sina Raul Santos ng Brgy. Aduas, Cabanatuan City at Raul Parcasio ng Melcar Subd., Brgy. Caloocan, samantala ang grabeng nasugatan ay nakilala namang si Edwin Graneta ng Brgy. Sinipit, San Jose City.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang pangyayari bandang alas-10:30 ng gabi makaraang hindi maipreno at nawalan ng kontrol ang motorsiklo saka bumulusok sa may 9 na talampakang lalim na canal. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments