Smart cell site pinasabog ng NPA rebs

SCIENCE CITY OF MUÑOZ – Pinasabog ng mga pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang RBS Smart cell site sa Brgy. Bantug ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na anim na hindi kilalang armadong kalalakihan ang bumaba sa isang jeep sa harap ng naturang cell site saka tinutukan ang mga guwardiya.

Pinasok ng mga rebelde ang compound ng naturang lugar dakong alas-9 ng gabi saka nilagyan ng pampasabog na pinalalagay na itinaon sa pagbubukas ng 11th ASEAN Armies Rifle Meet (AARM) sa Fort Magsaysay sa Palayan City. (Ulat ni Christian Ryan Sta.Ana)

Show comments