Sa isang pulong balitaan sa lungsod Quezon, sinabi ng kampo ni Atty. Macapanton Abbas na sila ay nagsumite ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) at hinihiling ang pagsuspinde ng eleksiyon.
Ayon kay Abbas, ang nasabing petsa ng eleksiyon ay ilegal batay sa ilalim ng naratipikang New Organic Law noong nakalipas na Agosto 14 na hindi dapat maapektuhan ang pagdiriwang ng Ramadan na magsisimula ngayong araw na ito at matatapos sa Disyembre 10.
Kung itutuloy ang eleksiyon magiging limitado ang galaw ng mga muslim na ang karamihan ay hindi makakaboto dahil ayaw nilang masira ang kanilang tradisyon na mag-ayuno kapag Ramadan. (Ulat ni Jhay Mejias)