Ito ang kinumpirma kahapon ni Leyte Gov. Remedios Petilla na hindi makadadalo ang may 500 US veterans sa selebrasyon ng ika-57th Leyte Gulf Landing sa darating na Oktubre 20, 2001.
"Ang ipinalabas na advisory ng US government ay unfair dahil hindi naman lahat ng lugar sa bansa katulad ng Leyte na safe ang mga dayuhang bisita ay apektado ng nabanggit na isyu," ani Petilla.
Sinabi pa ni Petilla na handang-handa na ang lahat partikular na ang reservation ng hotel para sa mga US veterans.
Nabatid din kay Gob. Petilla na nagpahayag na ang Australian Ambassador sa Pilipinas at ang US Ambassador na kinumpirma na ang kanilang pagdalo sa nabanggit na selebrasyon.
Isa rin sa lalahok sa naturang okasyon ay ang grupo ng Tokyo war survivors at ang dalawang Japanese veterans. (Ulat ni Miriam Desacada)