Jeep sumalpok sa poste: 1 patay, 7 sugatan

DASMARIÑAS, Cavite – Isang 72-anyos na lola ang iniulat na nasawi habang pito katao ang nasugatan makaraang tumaob bago sumalpok sa poste ang sinasakyang jeepney ng mga biktima sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. Salitran 1 ng bayang ito kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si Crispula Paz Fajardo ng Block 9 Lot 10 Kingsland Village, Pala-Pala, Sampaloc 1 ng naturang lugar.

Samantala, ang mga sugatang biktima ay nakilalang sina Leonarda Bago Paz, 28; Princess Laran Paz, 10; Valerie Masibog, 6; May Gay Fabroa, 32; Franz Charles. Sinabi ni Dy na pinag-usapan na ito ng mga miyembro Dela Torres, 2 linggong gulang; Vidasto Bago Jr, 42 at Reynaldo Pelaez, 26 na pawang magkakalapit na kamag-anak ng nabanggit na lugar.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya, si Fajardo ay kasalukuyang ihahatid sa lalawigan ng Cebu ng mga nasugatan biktima na sakay ng isang pampasaherong jeep (DVK-721) na minamaneho ni Bernardo Perez, 42, patungong Pier.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, lumagpas ang sinasakyang jeep ng mga biktima sa isang sasakyan subalit nakasalubong nito ang isang motorsiklo na naging sanhi upang tumaob ito at sumalpok sa poste. (Ulat ni Cristina Go Timbang)

Show comments