15 taong pagkakulong hatol sa nakapatay sa rambol

ANTIPOLO CITY — Hinatulan ng 15-taong pagkakulong ang isang umano’y maton sa kanilang lugar matapos na mapatay nito sa saksak ang isa nilang ka-lugar at masugatan ang kapatid nito sa isang rambol noong Oktubre, 1994 sa Cainta, Rizal.

Bukod sa pagkakulong ay inutusan din ni Antipolo RTC Exec. Judge Mauricio Rivera ng Branch 73 ang akusadong si Arthur Antonio ng Gruar Subd., Cainta na bayaran ang mga naulila ng kanyang biktimang si Hipolito Balona ng P100,000 bilang moral and exemplary damages.

Batay sa ulat ng korte, nagbibisikleta si Norman Balona, kapatid ng namatay na biktima sa isang kalsada sa loob ng naturang subdibisyon nang mabangga niya si Antonio na naging ugat ng kanilang alitan.

Walang awang pinagtulungan ng akusado at kasama nito si Norman subalit nagawa pa rin nitong makatakbo sa kanilang bahay upang humingi ng saklolo.

Sa alibi ni Antonio na totoong naroon siya sa lugar na pinangyarihan ng krimen subalit hindi siya kasali sa gulo.

Hindi naman pinaniwalaan ng korte ang alibi ng akusado na siya umanong pinakamahinang testimonya sa korte. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments