Ayon sa mga residente, naanyayahan kamakailan si Senator Legarda sa Olongapo sa isang okasyon at nabigyan ng mga maling impormasyon tungkol dito.
Nauna rito, nilinaw ng SBMA na mayroong umiiral na Memorandum of Agreement na nilagdaan ni dating SBMA Chair Richard Gordon at FedEx noong 1994 na nagbabawal sa kinatawan ng Freeport na mag-inspect ng mga incoming foreign cargo.
Ang Freeport, ayon pa sa SBMA ay ginagamit lamang na transit point ng FedEx at sinisiyasat ng Bureau of Customs ang mga nilalaman nito sa Manila Point of Entry nito.
Gayunman, nagpahayag din ng pagtataka ang ilang residente sa Olongapo kung bakit inakusahan ang SBMA gayong nahuli ng BOC ang nilulusot na 40 kilo ng shabu sa Manila Point of Entry na dapat sanay papurihan ang mga ito.
Ayon sa kanila, ang dapat sanang tanungin dito ay ang mga investigating agency na may kaugnayan sa paghabol sa illegal drugs kung ano ang status ng imbestigasyon sa consignee.
Sinabi ng mga residente na sana ay nagtanong man lamang ang senadora sa proseso sa Subic tungkol sa cargo handling inspection ng sa ganoon ay nalinawan niya kung may kapabayaan.