Ina pinatay ng anak na baliw

TRECE MARTIREZ CITY – Napagtripang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang isang 66-anyos na ina ng kanyang sariling anak na may kapansanan sa pag-iisip sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Lapidario, Capitol Hills Subd. kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Nora Manalo. Samantala, ang suspek na anak na kalalabas pa lamang sa Andres Bonifacio Memorial Mental Hospital at ngayon ay nakapiit sa PNP detention cell ay kinilalang si Arnold Manalo, 33 ng nabanggit na lugar.

Nabatid sa ulat ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong alas-3 ng madaling araw makaraang mag-amok at mapagtripang patayin ang biktima sa hindi maipaliwanag na dahilan. (Ulat ni Mading Sarmiento)

Show comments