Ang suspek na positibong itinuro ng mga saksi ay nakilalang si Ernesto Lara, 21, tubong , Tabaco, Albay at residente ng urban poor resettlement area ng nabanggit na lugar.
Magugunitang, hinalay muna saka pinatay ng suspek ang biktimang si Liezel Cano, isang grade 1 pupil sa Pablo Francisco Cocofield, Purok 6, dakong alas-4:30 ng hapon noong Sept. 8, 2001.
Dahil sa impormasyong nakalap ng mga tauhan ng CIDG sa pagkatao ng suspek ay kaagad na nagsagawa ng biglaang pagsalakay sa bahay ng suspek sa nabanggit na lugar. (Ulat ni Francis Elevado)