Police informer binaril sa loob ng kubeta

Hindi pinatawad ng apat na armadong kalalakihan na nagpakilalang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang police asset matapos pagbabarilin sa loob ng comfort room sa Kitcharo, Agusan del Norte, kamakalawa.

Dead on the spot matapos mapuruhan ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilalang si Warlito Patos, 32, ng Brgy. San Isidro ng nasabing munisipalidad.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame kahapon, pasado alas-5:00 ng hapon ng maganap ang insidente.

Kasalukuyan umanong nagbabawas sa comfort room ng kaniyang mga biyenan ang biktima sa Purok 3, Brgy. San Jose Roque, Kitcharo, Agusan del Norte ng sundan ng mga suspek at pagbabarilin. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments