Lolo natusta sa sunog

Isang 60-anyos na lolo ang natusta ng buhay makaraang makulong ng apoy sa naganap na sunog na tumupok sa tahanan nito sa Culasi, Antique, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Hindi na makilala matapos na magmistulang uling ang bangkay ng biktimang kinilalang si Santiago Alvaro.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, dakong alas-11:00 ng gabi ng maganap ang sunog sa Brgy. Salde, Culasi, Antique.

Bagama’t naalimpungatan ito sa mahimbing na pagkakatulog ay tuluyan na itong nakulong sa makapal na usok at nagliliyab na apoy sa kaniyang silid.

Nakuha pa umanong magsisigaw ng biktima sa may bintana upang humingi ng tulong sa ilan nitong mga kapitbahay subali’t wala na rin ang mga itong nagawa upang tulungang mailigtas ang matanda dahil masyado ng malaki ang apoy. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments