Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si Melody Barillos, may asawa habang ang malubhang nasugatan naman ay nakilalang si Bernardo Balsomo, 38, may asawa na kapwa residente ng Blk. 8 Lot 12 Armstrong Village ng naturang lugar.
Samantala, ang suspek na ngayon ay nakapiit sa municipal detention cell ay nakilalang si Pablo Rada, 47, may asawa ng Block 3 Lot 1 Omans St., Zone 1, San Marino City Subd. ng nabanggit na lugar.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong ala-1:30 ng hapon habang ang dalawa ay nasa bahay ng nasawing biktima.
Habang nagkukuwentuhan ang dalawang biktima ay dumating ang suspek at naniningil ng pautang na dolyar subalit walang maibayad si Barillos.
Ayon pa sa impormasyong nakalap ng pulisya sa mga kapitbahay ng biktima, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa magbunot ng patalim ang suspek at undayan ng saksak sa katawan na ikinasawi nito.
Tangkang aawatin sana ni Balsomo ang suspek sa ginawang pananaksak subalit inundayan din ito ng saksak. (Ulat nina Cristina Go-Timbang/Mading Sarmiento)