Sinabi ni Abalos na pansamantalang mareresolbahan na ngayon ang malalang problema sa basura ng Metro Manila sa paggamit ng lupain sa Rodriguez na tinatawag nilang engineered landfill.
Dadaan umano ang mga basura mula sa lugar ng Payatas dumpsite sa Quezon City na may isang tulay na nagkukonekta sa lungsod sa bayan ng Rodriguez.
Inihayag din nito na wala naman pagtutol si Rodriguez Mayor Pedro Cuerpo sa pagtatapon ng may 6,000 toneladang basura kada araw.
Sinabi naman ni Prof. Eleazar Kasilag, spokesman ng Federation of Association of Homeowners of Antipolo (A-Homes) na magsasagawa muli sila ng barikada sa Marcos Highway kapag dito nila idadaan ang mga basura.
Sa kabila ng bagong dumpsite, sinabi ni Abalos na mahigpit pa rin umano nilang ipatutupad ang segregation scheme ng MMDA sa basura upang hindi agad mapuno ang lupa sa Rodriguez. (Ulat ni Danilo Garcia)