Idineklarang patay sa St. Magdalene Hospital ang biktimang si P/Supt. Winston Ebersole na magreretiro na sa darating na buwan ng Oktubre 16, 2001.
Sa ipinarating na ulat kahapon ng Occidental Mindoro Provincial Police Office (PPO) sa Camp Crame, lumalabas na bandang alas-8:15 ng umaga nang maganap ang pananambang sa biktima.
Ayon pa sa ulat, papasakay na ng kanyang jeep ang biktima upang magtungo sa himpilan ng pulisya na kanyang pinaglilingkuran nang biglang sumulpot na lamang ang mga rebelde.
Si Ebersole ay pinagbabaril ng malapitan ng mga NPA rebels at upang makasiguro ay pinaputukan pa ito sa ulo at dibdib.
Tumakas sa hindi nabatid na direksyon ang mga rebelde sa pamamagitan nang hinarang na tricycle.
Bagaman nag-iwan ng palatandaan na grupo ng liquidation squad ng mga rebelde ay sinisilip din ng pulisya kung may bahid na pulitika ang pagpatay kay Ebersole.
Matatandaang naging saksi si Ebersole sa naganap na patayan ng dalawang kilalang angkan at magkalabang pulitiko sa naturang lalawigan. (Ulat ni Joy Cantos)