3 lumberjacks pinugutan ng ulo

ZAMBOANGA CITY – Tatlong lumberjacks ang iniulat na pinugutan ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) kahapon ng umaga sa liblib na sitio ng Lantawan, Basilan.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na sina Jason Gregorio habang sina Telmo Katamura at Jung-Jung Roxas na kasalukuyang nawawala ay pawang mga lumberjacks at chainsaw operators.

Ayon sa ulat ni Basilan PNP director P/Supt. Akmadul Pangambayan, ang tatlong biktima ay nagtungo sa Brgy. Calanugas upang mamutol ng puno subalit pinaputukan ng mga bandidong Sayyaf dakong alas-7 ng umaga.

Makaraang hindi makabalik ng mga biktima ay ipinasya ng mga kasamahan na hanapin ang mga biktima at unang natagpuan ang bangkay ni Gregorio habang ang dalawa na pinaniniwalaang pinatay na rin ay kasalukuyang hindi pa matagpuan. (Ulat ni Roel Pareño)

Show comments