Ayon kay Morong Mayor George Bernardo, nabatid na positibong nagmula ang tone-toneladang langis na tumagas sa Fortune Republic Cement sa Brgy. Dulong, Teresa, Rizal.
Dumiretso ang langis sa katabing-ilog at bukirin sa Barangay Bubungan, San Jose, San Juan at San Guillermo.
Bukod sa mga masasalantang pananim, nanganganib rin na malason ang mga isda sa Teresa-Morong river na dinaluyan ng naturang langis.
Sinabi ni Mayor Bernardo na pinaghahandaan na ng pamahalaang lokal ang pagsasampa ng kaukulang asunto laban sa Fortune Republic Cement.
Napag-alamang nagsasagawa na ng paglilinis ang mga kagawad ng Philippine Coast Guard sa naturang ilog upang mapigilan ang pagkalat ng tumagas na langis. (Ulat ni Danilo Garcia)