Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rudy Prado, 55, may asawa ng Brgy. San Juan ng nabanggit na lugar.
Samantala, ang mga suspek na sakay ng isang kulay puting Nissan Vanette van na may no. 5209 ay mabilis na nagsitakas sa direksyon ng main road ng Bagong Bayan.
Napag-alaman na kasalukuyang nagmamaneho ang biktima ng kanyang van na may plakang DLF-139 patungong paradahan ng mga jeep nang pagbabarilin ng mga suspek.
Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang may 32 basyo ng bala ng M-14 at kasalukuyang inaalam ang motibo sa pagpatay sa biktima. (Ulat ni Ed Casulla)