Suspect sa mag-inang tsinap-chop naaresto

PILAR,Bataan– Naaresto na kahapon ng madaling araw ang suspect na brutal na pumatay sa isang mag-ina sa lalawigang ito ng pinagsanib na puwersa ng Bataan PNP at Criminal Intelligence Group (CIG) sa San Vicente, Daet, Camarines Norte.

Ang inaresto ng mga awtoridad ay nakilalang si Reynaldo Trinidad, dating Overseas Filipino Worker sa Saudi Arabia at live-in- partner ng biktima at kasalukuyang nakatira sa Bgy.Lote Pto. Rivas, Balanga City ng nasabing lalawigan.

Sa ulat ni Sr/Insp. Rodolfo Detecio, hepe ng Pilar PNP, na naaresto ng kanyang mga tauhan ang suspect dakong alas -5:30 ng umaga sa nasabing lugar na umano ay patakas na patungong Metro Manila.

Magugunita ang mag-inang sina Cynthia Calimbas, 30 at anak nitong si AJ, 2 taong gulang ay kinatay ng suspect noong Huwebes ng madaling araw dahil lang tumangging makipagbalikan si Cynthia sa suspect. (Ulat ni Jonie Capalaran)

Show comments