Kinilala ng pulisya ang biktima na si Leonora Bragas, may asawa ng Blessed Ville Subd. ng naturang lugar.
Samantala, ang suspek na driver ng bus na may plakang DVP-148 ay boluntaryong sumuko ay si Rolando Manalo, 28, may asawa ng Brgy. Niogan, Tagaytay City.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya, bandang alas-5:30 ng madaling araw nang biglang tumawid ang biktima sa nabanggit na lugar subalit hindi kaagad napuna ng driver kaya ito nahagip. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)