Kinilala ang mga rebeldeng sumuko kay P/Chief Supt. Domingo Reyes, Jr. na sina Santiago Pajamil, alyas Ka Brian; Bonifacio Salazar, alyas Ka Gardo; Geden Ragas, alyas Ka Zaldy; Ricky Narciso, alyas Ka Gorio; Romeo Tugas, alyas Ka Yagiw; Junnie Tugas, alyas Ka Gerry, Alyong Luis Yaya, alyas Ka Aldo at Barming Bulin, alyas Ka Valdez.
Napag-alaman sa ulat, ang mga nagsisukong lider ng NPA rebels ay pawang nakabase sa Southern Tagalog na nagre-recruit ng mga kabataang lalaki at babae at nagsasagawa nang pananambang sa tropa ng militar at pulisya sa ibat ibang bayan sa nabanggit na lalawigan.
Ang pagsuko ng walong lider ng NPA rebels ay bunsod na rin ng pagkakadakip ng militar at pulisya kay Aniano Flores, alyas Ka Silver noong linggo sa Brgy. Paclasan, Roxas, Oriental Mindoro.
Si Flores ang itinuturing na founder ng CPP/NPA sa Mindoro noong 1977 bago nanghikayat na sumuko na ang walong lider ng NPA rebels. (Ulat ni Ed Amoroso)