Nabatid sa ulat ni Basilan Police Provincial Director Supt. Akmadul Pangambayan, ang tatlo ay nasakote sa Isabela City, Basilan habang ang dalawa ay sa lalawigan ng Sulu at Zamboanga City.
Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na Sayyaf na sina Henry Torres; Kusain Indat henchman ni kumander Isnilon Hapilon; Ustadjin Nipa ng Maluso; Mukharan Idiarani ng Kalingalang Kaluang, Sulu at Moen Gapasan.
Unang nadakip si Torres, 40 sa pumpboat terminal areas ng Strong Blvd., Isabela City bandang alas-8:45 ng gabi ng Martes habang sina Indat at Nipa naman ay nasakote sa bisinidad ng Basilan Provincial Hospital.
Samantala, si Idiarani ay naaresto ng mga elemento ng 35th Special Force company sa Sitio Balabac, Arena Blanco sa Zamboanga City habang si Gapasan na may mga dalang ibat ibang uri ng armas lulan ng isang pampasaherong jeep ay natimbog sa itinayong checkpoint sa Sitio Panglima Estimo, Brgy. Bato ng mga elemento ng 7th Infantry Battalion ng Phil. Army.
Sa naging pahayag ni Lt. Col. Danilo Servando, tagapagsalita ng Armed Forces Southern Command na anumang araw ay mawawalan na ng mass support mula sa mga residente ang bandidong Sayyaf dahil sa patuloy na crackdown sa mga pinaniniwalaang supporters at sympathizers nito.
Sa patuloy na crackdown, tinatayang aabot na sa 61 supporters, sympathizers ang nadadakip ng tropa ng militar.
Apatnapu ang mula sa Basilan 16 naman sa Sulu at 4 sa Zamboanga City. (Roel Pareño)