Ang biktima na itinago sa pangalang Joy, 20, dalaga ay nagsampa ng reklamong panghahalay laban sa kanyang sariling ama na nakilalang si Oscar Blanca, 48, may asawa, magsasaka ng nabanggit na lugar.
Sa ulat ng pulisya, dahil sa pagbabantang ginawa ng suspek sa biktima sa loob ng anim na taon hanggang noong nakaraang July 15 ay naitago nito ang pangyayari.
Hindi na umano matiis ng biktima ang ginawang maitim na balak ng sariling ama sa kanya kaya nagpasya na itong dumulog sa himpilan ng PNP upang isiwalat ang pangyayari magmula pa noong Mayo 1995. (Ulat ni Ed Casulla)