Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa Zamboanga Medical City bunga ng tinamong tama ng saksak sa tiyan ang biktimang si Rene Montorac, binata, estudyante at residente ng Upper Calarian sa nasabing lungsod.
Kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Vicente Amante Hidocus, 68, matapos na mahimasmasan.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nabatid na abalang naglalakad pauwi ang biktima habang nagti-text sa isang kaibigan nang makasalubong nito ang suspek na umanoy wala sa sarili dakong alas-6:30 ng umaga sa compound ng 36th Infantry Battalion, Upper Calarian.
Nagulantang umano ang biktima nang bigla na lamang siyang undayan ng saksak sa sikmura. (Ulat ni Joy Cantos)