Ang biktima na nagtamo ng maraming saksak sa katawan ay nakilalang si Juvelino Tabios, may asawa ng nasabing lugar.
Samantala, ang mag-utol na suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay kinilalang sina Dario, 21, binata at Raul Galicia, 32, may asawa na kapwa residente ng Barangay Baldog.
Napag-alaman na ang biktima ay nagsampa ng kasong physical injuries laban sa mag-utol may isang taon na ang nakalilipas subalit nagtanim ng galit ang mga suspek.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naglasing umano ang mag-utol bago inabangan at isinagawa ang krimen laban sa biktima dakong alas-7:00 ng gabi habang ito ay naglalakad papauwi. (Ulat ni Ed Casulla)