Kinilala ng pulisya ang mga biktimang dinala sa Nabua District Hospital na sina Antonio Queding, 45; Joel Bragais, 32; Ulysis Rosario, 41; Edmundo dela Cruz, 45; Jose Reyes, 40; Joven dela Cruz, 20; Salvador Sacrag, 21; Dominic Montanos, 3; Maribel Mansas, 29; Melinda Marano, 37, Christian Abion, 21; Prodencio Sacrag, 33; Herbert Beatrix, 33; Edith San Diegho, 37; Erfa Sape, 39; Josephine Coma, 28; Myrna Rabasa, 42; Dexon Mendebol, 24 at Salvacion Regalario, 38 na pawang mga residente ng Libon, Albay.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang aksidente dakong alas-3:55 ng hapon habang ang jeep na may plakang DLN-484 ay tumatahak sa nasabing highway bago sumalpok sa isang sign board sa gilid ng kalsada.
Nabatid pa na nawalan ng preno ang nasabing jeep patungong Maynila mula sa Libon, Albay ng maganap ang aksidente. (Ulat ni Ed Casulla)