11 katao tiklo sa drug bust

BACOOR, Cavite — Labing-isa katao na pinaniniwalaang mga nagtutulak ng droga sa kanilang lugar ang nasakote ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa magkahiwalay na bayan, kamakalawa ng gabi sa nasabing lalawigan.

Kinilala ng pulisya ang mga nasakoteng suspek na sina Leticia Bautista, 42, asawa nitong si Domingo Bautista, 47; Christopher Bautista, 22; Conrado Bautista, 25; Michelle Antonio, 21; Fe Bautista, 33; Winifredo Pontillo, 27; Ryan Michael Guenes, 19; Percito Belisano, 43; Cesar Belisano, 35, at Dindo Diloy, 30, na pawang magkakamag-anak at mga residente ng Bacoor at Noveleta, Cavite.

Base sa ulat ng pulisya, ang mga suspek ay naaktuhang nagtutulak ng droga sa Brgy. Queensrow, Bacoor at Brgy. Magdiwang, Noveleta ng naturang lugar.

Nagsasagawa na rin ng patuloy na monitoring ang kapulisan ng Cavite na nasa listahan ng watchlist ng mga drug pushers, users. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments