Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Dominador Mercado, 46, alyas Domeng; live-in partner nitong si Arlene Biliran; Sonny Plantilla; Jennbert Javier at Bernardo del Ocampo na pawang mga residente ng naturang lugar.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang baril at hindi pa mabatid na gramo ng shabu na nakalagay sa mga plastic sachet.
Nabatid sa ulat ni SPO4 Rosevelt Legaspi hepe ng CIDG4-SOT na si Mercado ang lider ng naturang grupo at responsable sa pagpapakalat ng droga sa lalawigan ng Laguna partikular na sa San Pedro, Calamba at Sta. Rosa.
Isinagawa ang buy bust operation dakong alas 12:30 ng hatinggabi matapos na magpanggap ng buyer ang isang ahente ng pulisya sa mga suspek. (Ulat ni Ed Amoroso)