Napag-alaman sa ulat ni Batangas Provincial Director P/Supt. Rolando Lorenzo na may 15 hanggang 20 armadong kalalakihan ang humarang sa dalawang bus na pag-aari ng JG Summit Petro Chemicals mula sa planta sa Brgy. Sinloc, Batangas City ang binuhusan ng gasolina bago silaban.
Ayon pa sa ulat na pinababa muna ang lahat ng pasahero ng dalawang aircon bus na may body number D-767 at 797 na minamaneho ni Irvin Perez, 26 at Edgar Perez, 21, bago ito sunugin.
Ipinagbigay alam din ng mga armadong rebelde sa mga nagsibabang empleado mula sa dalawang bus na hindi na nagbibigay ng buwis sa kanila ang may-ari ng naturang kompanya kaya isinagawa ang pangyayari. (Ulat ni Arnell Ozaeta)