Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, ang pamamaril ay pinaniniwalaan bilang protesta ni Ditsaan Ramain Mayor Serad Ali Batua.
Napag-alaman na dakong ala-1:30 ng madaling araw ng bigla na lamang ratratin ng mga suspek ang bahay ni Batua sa bisinidad ng Brgy. Pagalungan ng nasabing bayan.
Mabilis na nakadapa si Batua at mga kasambahay nito matapos ang sunud-sunod na putok partikular na sa direksiyon ng silid ng nasabing lokal opisyal.
Nabatid pa na bago pa man mag-eleksiyon ay nagpahayag na ng pagtutol ang grupo ng MILF rebels sa nasabing lugar laban kay Batua para mamuno sa Ditsaan Ramain.
Masuwerte namang nakaligtas ang target na alkalde at wala rin ni isa man sa pamilya nito ang nasawi o nasugatan sa insidente. (Ulat ni Joy Cantos)