Plantasyon ng marijuana sinalakay ng PNP

CAMP OLIVAS, Pampanga — May 2,000 mga marijuana plant na nagkakahalaga ng P5-M ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya sa isinagawang pagsalakay sa isang plantasyon sa Brgy. Dianawa, Maria Aurora, Aurora, kamakalawa.

Sa ulat na isinumite ng Aurora-PNP Command kay Police Regional Office 3 (PRO3) Director Chief Supt. Enrique "Ike" Galang, nilusob ng mga tauhan ng Military Intelligence Group (MIG-3) ng Philippine Army at ng Aurora Provincial Police Office (APPO) ang may isang ektaryang plantasyon ng marijuana sa naturang lugar.

Ayon sa ulat ng pulisya, isa umanong nagngangalang "Ka Jerome" ng Kalinga-Apayao ang caretaker ng plantasyon ng marijuana subalit wala ang naturang caretaker nang maganap ang pagsalakay.

Kasalukuyang hindi ibinunyag ang pangalan ng may-ari ng plantasyon. (Ulat ni Jeff Tombado)

Show comments