Nabatid sa ulat ng Phivolcs, ang biglaang pagsabog ay nagdulot ng pagbubuga ng makapal na usok na umabot sa may dalawang kilometrong taas at pagdaloy ng pyroclastic materials sa Bonga Gully.
Gayunpaman, pawang mga kalalakihan naman ang nagsibalik sa kani-kanilang bahay sa paanan ng Mayon volcano upang magbantay sa kanilang ari-arian laban sa mga mapagsamantala.
"Nakataas pa rin ang Alert Level 5 at ang 8 kilometer Permanent Danger Zone (PDZ)", pahayag ni Phivolcs chief Punongbayan. (Ulat nina Ed Casulla at Felix delos Santos)