Ang biktima na nagtamo ng malalim na saksak ng patalin sa dibdib ay kinilalang si Analiza Vergara, may-asawa ng Sitio Pook, Brgy. Sampaloc Dos.
Tinutugis naman ngayon ng follow-up team ng pulisya ang isang nagngangalang Guiller Rogelio ng Brgy. Balubal na siyang pangunahing suspek sa krimen.
Dahil sa hindi umuwi ang biktima ay minabuti ng mga magulang na humingi ng tulong sa himpilan ng pulisya.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima sa TV Surplus Store sa nasabing lugar.
May teorya ang mga imbestigador na nanlaban ang biktima sa suspek dahil sa tangkang panggagahasa. (Ulat ni Tony Sandoval)