Batay sa ulat na nakarating mula sa Camp Crame, nakilala ang biktima na si Provincial Election Supervisor Anthony Sia ng naturang bayan.
Naganap ang pangyayari dakong alas-7:00 ng umaga habang papalabas ng bahay ang biktima patungong pinapasukang trabaho, may ilang metro lamang ang layo mula sa munisipyo ng nasabing bayan.
May teorya ang pulisya na ilang talunang kandidato noong nakaraang eleksyon ang may kinalaman sa naganap na pagdukot sa biktima at gumamit lamang ng puwersa ng NPA rebels.
Napag-alaman pa ng pulisya na maraming nagrereklamong talunang kandidato laban sa biktima dahil sa mga katiwalian at may kinikilingang ibat ibang kandidato.
Samantala, patuloy din ang pangangalap ng matibay na ebidensya ang mga imbestigador upang beripikahin ang kumakalat na balitang binayaran ng malaking halaga ng ilang talunang kandidato ang mga rebelde upang kidnapin ang biktima.
Hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang rescue operation ng kapulisan ng Tiboli upang mailigtas ng buhay si Sia. (Ulat ni Joy Cantos)