Balikbayan kinatay ng 4 na durugista

DINALUPIHAN, Bataan – Isang lalaking balikbayan mula sa US ang pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ng limang drug pushers bago itinapon sa madamong lugar kamakalwa ng umaga sa Sitio Bussiao, Brgy. Pagalanggang ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Victorino Paule, 57, may asawa at residente ng Brgy. Luacan, Dinalupihan, Bataan.

Samantala ang mga suspek na ngayon ay nakapiit sa Dinalupihan PNP detention cell ay nakilalang sina Jesus Ronquillo, Wilfredo Layug, Noel Buan, Analiza Paule na pawang taga-Brgy. Luacan, San Ramon at Pagalanggang ng naturang lugar.

Ang mga suspek ay positibong itinuro ni Ramil Ambrocio ng Purok 4, Brgy. Luacan na pinagtulungang patayin bago isinakay sa tricycle na may plakang 0-017 na pag-aari ni Ronquillo.

Sa ulat ni P/Insp. Teodoro dela Rosa, lumalabas na pinatay at itinapon sa madamong lugar ang bangkay ng biktima dakong alas 7:30 ng umaga bago natagpuan ng isang magsasaka. (Ulat ni Jonie Capalaran)

Show comments