2 kritikal sa pamamaril ng adik sa loob ng presinto

Dalawa katao ang malubhang nasugatan makarang mamaril ang isang adik na lalaki sa loob ng presinto ng pulisya kamakalawa ng hapon sa Tabogon, Cebu.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina SPO4 Rene Pepito, retiradong pulis at si Edgar Alivio, private secretary ng mayor sa naturang lugar.

Samantala ang suspek na ngayon ay tinutugis ay nakilalang si Rudy Ruiz na pinaniniwalaang tumanggay ng mga armas mula sa naturang presinto.

Ayon sa ulat ng pulisya, inakala ng mga pulis na kukuha lamang ng clearance ang suspek subalit mabilis itong nagpunta sa loob ng isang kuwarto na kinalalagyan ng mga baril bago namaril. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments