Lover ni misis tinodas ni mister

DARAGA, Albay – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang binata ng isang pulis makaraang maaktuhan ang biktima na kasama ang misis ng huli sa loob ng sinehan, kamakalawa ng hapon sa Rizal St. ng bayang ito.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktimang si Richard Lim, trader at residente ng Barangay Sabang, Legazpi City.

Samantala, ang suspek na kusang-loob na sumuko sa Daraga PNP station ay kinilalang si SPO1 Edgardo Cardaño, nakatalaga sa Legaspi City PNP station at residente ng Brgy. Sabang ng naturang lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, naaktuhan ng suspek ang dalawa sa loob ng Elta Theather na magkasamang nanonood dakong alas-3:05 ng hapon.

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay matagal na pala silang minamatyagan ng suspek dahil sa napabalitang may kinalolokohang lalaki si misis.

Hanggang sa maaktuhan ang dalawa ng suspek sa loob ng nasabing sinehan. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments